Batay sa makabagong takbo ng linggwistika ang pagtalakay sa gramar na ito. Isinama sa dakong huli, sa apendise, ang ilang sa mga salitang nagpapatunay ng pagkakapareho ng mga salita ng iba't ibang wika sa Pilipinas upang magpatunay na hindi lamang sa wikang Tagalog nagbuhat ang mga salitang tinatawag na Filipino na siyang ginagamit sa kasalukuyan.